Eto yung nasimulan kong blog kagabi kaso hindi ko na naituloy dahil na-mental block ako. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan i-share sa inyo kung paano biglang nasira lahat ng pangarap ko na sinabayan pa ng isang kamalasan. Two birds in one shot.
Una, nagkaron ako ng TRES na grade sa Total Quality Management subject namin. Maliban sa first time ko magkaron ng ganitong kababang grade, itong grade na ito rin yung nagwasak sa nagsisimula ko pa lang na pangarap. Maging Cum Laude pag-graduate ko (third year pa lang ako).
15.1 The College Dean \Branch Director, in close coordination with the University Registrar, shall recommend a student who completes his baccalaureate course with any of the following weighted average to be graduated with honors:
15.1.1 Summa cum Laude (1.19 to 1.00)
15.1.2 Magna cum Laude (1.44 to 1.20)
15.1.3 Cum Laude (1.75 to 1.45)
15.2 The guidelines on graduation with honors shall be as follows:
15.2.1 Only final grades shall be considered in the computation of the general average.
15.2.2 A student's final grades during his last school term shall be submitted thirty (30) days before the graduation.
15.2.3 In the computation of the final averages of a candidate for graduation with honors, grades in all accredited academic subjects in the curriculum shall be included.
15.2.4 Every candidate for graduation with honors must:
- Have carried the normal load prescribed in his curriculum, except in the last semester. In the night school, fifteen (15) units per semester shall be considered the normal load.
- Have completed in the University at least seventy-five percent (75%) of the total number of the academic units or hours required for graduation.
- Have been in residence for at least three (3) years immediately prior to graduation.
- Have no final grade lower than "2.5" and/or "Incomplete" in any academic subject whether prescribed or not in his curriculum which he/she has taken in the University, or in any other educational institution.
- Have no final grade of "5.0" in any academic and non-academic subjects prescribed in his curriculum which he/she has taken in the University or in any other educational institution.
- Have not repeated a subject in other educational institution.
Ayan. Nung nalaman ko yung general weighted average ko simula first year first sem hanggang third year first sem na 1.694 nagkaroon ako ng goal first time in my college life na maging cum laude man lang pag-graduate. Pasok grades ko sa bracket na pang cum laude, rank 4 pa ako sa room namin. :) I'm the man! Kaso lahat ng yun nasira ng dahil sa TQM grade ko. Bigla ako nawalan ng gana, yung feeling na parang wala na ring sense kung mag-aral ako ng mabuti this coming school year. Yun bang kahit uno ako sa lahat ng subjects ko e wala na rin silbi kasi hindi naman ako magiging cum laude. Gusto ko sana surprise yun sa mga magulang ko, kasi naisip ko parang yun na lang yung way ko of saying thank you sa pagpapa-aral nila sakin. Tapos biglang nawala. I asked my best friend what went wrong. Pero alam ko naman talaga kung ano ang nangyari kung bakit ganyan grade ko kaso hindi ako ganoong kalakas para harapin yung naging pagkakamali ko. Gusto ko isisi sa prof ko yung naging kapalaran ng grades ko pero alam ko naman na mas malaki ang naging responsibilidad ko kung bakit yun nagkaganun.
From this point, hindi ko alam kung saan ako pupunta, kung ano ang gagawin ko, o kung may magagawa pa ba ako tungkol dito. Should i do something about it, or keep it the way as it is?
Ikalawa, hindi pa ako tapos sa dilemma ko tungkol sa grade ko sa TQM, ng mapansin kong nawawala na pala yung iPhone ko! Tengene lang yan oh. Kailangan ba pag minamalas sabay sabay? hindi ba pwedeng isa isa lang muna? Ang hirap e. Call Center Agent din ako, just so you know. Sinasabi ko to kasi nung nalaman ko yung grade ko sa TQM e nasa office ako nun. Makikita naman kasi yung grades namin through OL. At sa sobrang depressed ko nung time na yun, hindi ko na napansin na may malikot na kamay na pala na kumuha ng iPhone ko sa station ko. wtf. Sinubukan kong tawagan yung phone ko pero wala na. Unattended na. Alam na!
Halos one year and four months din ang pinagsamahan namin ng iPhone ko. Tapos nanakawin lang? Mas okay pa sana na nasira lang e. Kaso hindi, ninakaw, sa office pa. Pambihira. Kapag nga naman tinamaan ka ng kamalasan, mapapa-P*TANGINA ka na lang.
Sa mga nangyari sakin, hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko. Masyado akong mahina para harapin pa yung mga yon. Pero minsan, KAILANGAN DIN NG LAKAS PARA SABIHING MAHINA KA. Siguro yung depression ko ngayon lilipas din, pero yung mga nangyaring to sakin habang buhay na magmamarka sa alalala ko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento