Martes, Agosto 28, 2012

SOGO deluxe

SOGO. madalas kong naririnig tong word na to kapag ang topic ay medyo x-rated. "sige pre pag nagkita kayo dalhin mo agad sa SOGO." "san kayo galing? nag-SOGO kayo noh?" "maganda ba? pwede pang-SOGO?" gets nyo? siguro naman diba? ako aminado naman ako na pag narinig ko yun, ndi ko din maiwasan na ndi yun mai-associate sa "place for sex." kasi parang ang kumalat dati SOGO is a good place for doing THAT. xD pero nagbago yung tingin ko sa place nung first time ko nagspend ng night dun. (wag muna mag-react. haha)

mga 9.30pm (August 25, 2012) na ng nagdecide kami ng ate ko (kapatid ko) na umuwi na ng bahay. habang papunta kami sa may sakayan ng jeep naisip ni ate na mag-SOGO. (sa tingin ko naisip nya yun kase una: kakauwi lang nya ulit ng bansa. pangalawa: maraming tao sa bahay nun kase yung isa kong housemate dun na sila nagreview para sa department tests nila kinabukasan. pangatlo: feeling ko nabigla lang si ate. may pera kasi xa e. haha)

so ayun na pumunta na kami sa sogo, (btw katabi lang ng SM yung SOGO Hotel na yun) at namili kung anong klaseng room ang ia-avail namin. e nung time na yun ang available room na lang ay DE LUXE room at REGENCY room. parehong mahal pero mas mura ng konti yung de luxe room (1170 pesos for 12 hours) ayun. nung andun na kami sa room 520, sabi ni ate pupuntahan daw muna nya yung mga friends nya at yun na nga ang nangyari, NAIWAN ako mag isa doon.

una kong napansin yung malaking kama na sa tingin ko kaya 3-4 na tao. laki nya! hahaha


at sunod kong tinignan yung bathroom nya. plain white lang yung color nung tiles. lahat puro white. malinis tignan at parang masarap mag-shower. :) yung mga gamit dun pang dalawahan lagi. toothbrush, slippers, towel, pati PILLOW dalawa lang. tss. :/ yung remote control nung tv parang nakatali sa isang table sa gilid nung bed, para siguro hindi gawing souvenir yung remote.

epic lang kasi sa ibabaw ng tv may channel guide. at 2 channel ang pinaka pino-promote nila. channel 121 at 125. yun yung mga channel for adults. channel 121 (asian adults) at channel 125 (us/euro adults). when i say adult, i am referring to adult sex. iba lang kase parang may basehan talaga kung bakit naging ganun ang reputation ng SOGO sa labas. naalala ko nga habang nagche check-in pa lang kami yung iba naming kasabay pakiramdam ko andon lang para mag-intercourse. haha out of curiosity tinignan ko yung sinasabi sa channel guide. at yun nga nakita ko. asian and us/euro adults doing that.

may wifi yung place. and it took me a lot of courage para i-press yung zero sa telephone at kausapin yung person sa front desk para itanong yung wifi password. (nahihiya ako tsaka baka kasi ndi naman pang lahat yung wifi. xD) good thing the girl on the other line gave me the password which is "*************" :) mga 11pm na ng nag umpisa ako ma-bored dun sa room. mag-isa lang ako e, so i decided na mag surf na lang sa net. after ilang hours, umorder naman ako ng isang spaghetti at isang mango juice. ndi naman talaga ako gutom nun e. for experience lang. at eto pa, ndi ko alam kung kelan ko yun dapat bayaran. pagkabigay ba saken or pag mag check-out na. nako nako. halatang first timer si gago. xD

while waiting, inenjoy ko na lang yung room i jumped up and down sa bed, nagshower habang nagpe-PERFORM. at pakiramdam ko nasa ARANETA ako. ansaya ng feeling kase i feel secured na walang ibang makakarinig ng "bathroom voice" ko aside saken. nyahaha :D

after nun, wala na naman ako magawa! tapos bigla ko na lang naisip na kunyari mayamang tao ako, pahotel-hotel na lang. kase pag andun ka mag-isa sa room parang lumalabas yung pagka-naughty mo e. naughty in a way na anjan na mag-iimagine ka as if you really own the place, na parang you have everything life has to offer. at masasabi mo na lang na this is the life. xD

tapos nun nag-decide ako matulog na. after ilang minutes, ramdam kong mahihirapan ako matulog. (namamahay e. lol) kahit gaano kaganda at ka-inviting yung ambiance nung room, kahit gaano kalamig yung aircon, kahit gaano kasarap yung sine-serve nilang food, parang may kulang parin. HIRAP NG WALANG KAUSAP. na-realize ko na ganito siguro yung hotel life ng mga independent people. parang ang option mo na lang ay kausapin ang sarili mo, mag internet at matulog. sanayan lang siguro talaga.

mga 5am na ng makatulog ako kase dumating na nun si ate. then nung morning, mga 15 minutes bago mag 12 hours. (yung hours na binayaran namin) tumawag yung nasa front desk and she informed us na we still have 15 minutes or we could spend another hour which will cost 150 pesos. syempre umuwi na kami, may pupuntahan pa kasi kami nun e.

all in all, kahit may times na feeling ko boring dun sa sogo, nag enjoy pa rin ako. kase not everyone is given the chance na mag-stay sa de luxe room ng 12 hours and do whatever you want.

and i therefore conclude, SOGO hotel is SO clean, so GOod. :D

2 komento:

  1. KUYA, I need to stay there for abou 4 hours.. pwede ba?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hi. Sorry for the late response pero yes pwede naman. Kaso i'm not very particular sa rate eh :)

      Burahin